Nasa higit labing apat na libo (14,692) ang naitalang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang rehired at naisyuhan ng Overseas Employment Certificates (OEC) ng Department of Migrant Workers (DMW) Region 1 mula January 2023 hanggang June 2024.
Ayon sa tanggapan, ang OEC ay ay katibayan ng lawful recruitment para masabing lehitimo ang mga OFW para sa overseas employment travel kasama na rin ang mga benepisyo at mga pribilehiyong dapat nilang matanggap.
Wala rin bayad ang pagkuha para maisyuhan ng OEC sa DMW regional office para sa mga irere-hire ng mga OFW.
Sa kasalukuyang pinamamahalaan naman ng DMW ang nasa animnapung job fair na layuning nakapagbibigay ng mga oportunidad sa mga kwalipikadong aplikante na nagnanais na magkaroon ng trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨