Nasa higit isandaang libo na ang naitalang bilang ng mga rehistradong botante sa Dagupan City ayon sa Commission on Elections( COMELEC) Dagupan.
Ayon kay COMELEC Dagupan Election Supervisor Atty. Michael Frank Sarmiento, nakapagtala na ang kagawaran simula noong buwan ng Hulyo ng 141,000 registered voter.
Bago umano nagsimula ang registration program, mayroon ng naalis na walong libong indibidwal ang COMELEC Dagupan dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.
Inaasahan na papalo sa 145,000 ang bilang ng mga botante sa lungsod sq pagtatapos ng registration sa ika-30 ng Setyembre.
Sa ngayon, pinag-aaralan ng ahensya ang pagkakaroon ng iba pang lugar sa voter registration upang mas marami pa ang maserbisyuhan na nagnanais makaboto sa Midterm Election 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨