π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗧𝗔𝗒 𝗑𝗔 π—‘π—”π—šπ—§π—¨π—‘π—šπ—’ 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—”π—’π—”π—š π—‘π—œπ—§π—’π—‘π—š π—žπ—”π—£π—”π—¦π—žπ—¨π—›π—”π—‘, π——π—¨π— π—’π—•π—Ÿπ—˜, 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—Ÿπ—šπ—¨

Dumoble ang bilang ng mga tao na nagtungo sa bayan ng Manaoag nitong kapaskuhan.

Ito mismo ang kinumpirma ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario sa naging panayam ng ifm dagupan.

Ayon sa opisyal, kitang-kita ang dagsa ng mga tao nitong katatapos na pagselebra ng kapaskuhan kung saan ay inaasahan na magpapatuloy ito hanggang sa bagong taon.

Ayon pa sa alkalde, bagamat nagkaroon ng trapiko dahil sa dami ng mga tao at sasakyan na nagtungo doon ay manageable naman aniya at nakausad naman ang mga ito.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga nakiisa na gawing masaya ang selebrasyon ng Pasko sa kanilang bayan at inaasahang magpapatuloy ito ngayong bagong taon. | π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments