π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—‘π—š π— π—œπ—¬π—˜π— π—•π—₯𝗒 π—‘π—š πŸ°π—£π˜€ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗒𝗧 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—›π—œπ—šπ—œπ—§ πŸ­πŸ°πŸ±π—ž

Nangunguna sa buong Ilocos Region ang lalawigan ng Pangasinan sa bilang ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na nasa 145, 723 ayon sa Department of Social Welfare and Development Regional Office 1.

Ayon kay DSWD Field Office 1 Regional Director Marie Angela Gopalan, tuloy-tuloy ang isinasagawang aktibidad para sa mga benepisyaryo sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at civil society organizations sa lalawigan upang tuluyan pang mapababa ang bilang ng mga 4Ps beneficiaries.

Pumapangalawa sa may pinakamaraming aktibong 4Ps beneficiaries sa Region 1 ang La Union na may 21,712 ; Ilocos Sur na may 20,575; at Ilocos Norte na may 15,300 benepisyaryo.

Kaugnay nito, kinilala ng DSWD Field Office 1 sa 4Ps Partnership Summit ang mga bayan ng Asingan bilang Model LGU 2024 habang ang Alcala, Balungao, Bautista, Natividad, Manaoag, Laoac, San Jacinto, San Quintin, Bayambang at ilan pang bayan sa ika-apat hanggang ika-anim na distrito ng Pangasinan ay kinilala rin dahil sa mahusay na implementasyon ng programa. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments