𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘, 𝟭𝟰 𝗡𝗔

Umabot na sa labing apat ang bilang ng mga Pangasinense na nasawi dahil sa dengue ngayong taon ayon sa Provincial Health Office.

Ayon sa PHO, mas mataas ito kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon nasa pitong bilang lamang.

Sa buong probinsiya nakapagtala na ng 1,695 na kaso ng sakit.

Dahil dito, Hinikayat ng PHO ang publiko sa pagpapaigting sa kalinisan sa mga barangay dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng dengue sa probinsya.

Isa sa mga nasa watchlist ng PHO ang bayan ng Lingayen kung saan isinagawa ang consultation meeting kasama ang kawani ng PHO, Municipal Health Office, Barangay Officials, at barangay health workers at tinalakay ang mga mabisang paraan para maiwasan ang paglaganap ng sakit na dengue sa naturang bayan.

Isinagawa na dito ang paglilinis sa mga kanal, fogging at misting operations sa mga paaralan, mga eskinita, kabahayan at maging sa mga basurang pinamumugaran ng lamok.

Ayon sa PHO, patuloy na iimplementa ang 4S kontra dengue upang masugpo ang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments