𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔

Nakapagtala na ng labing-apat na pamilya o katumbas nito ang apatnapu’t-siyam na indibidwal sa Ilocos Region ang naitalang apektado ng kalamidad ayon sa datos ng Office of the Civil Defense Region 1.

Kinabibilangan ito ng pitong pamilya mula sa apat na barangay sa La Union, anim na pamilya mula sa dalawang barangay sa Pangasinan at isa mula sa Ilocos Sur.

Ang mga ito ay pansamantalang nananatili sa evacuation centers sa kani-kanilang kinabibilangangang lalawigan.

Limang bahagi sa La Union ay nabaha, at isa naman sa lalawigan ang naitala ng tanggapan.

Nasa pitong kakalsadahan at dalawang tulay ang not passable o may one-lane passable lamang.

Samantala, nagpapatuloy ang monitoring ng ahensya sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon upang maiwasan ang mas malalang epekto ng bagyo sa mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments