Sunday, February 1, 2026

β€Žπ—•π—œπ—‘π—”π—§π—”π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, π—‘π—”π——π—”π—žπ—œπ—£ π—‘π—š 𝗣𝗑𝗣 π—–π—”π—•π—”π—šπ—”π—‘

Cauayan City β€” Matagumpay na nadakip ng mga awtoridad ang isang indibidwal na hinihinalang sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Cabagan Municipal Police Station (MPS), kahapon ika-31 ng Enero sa Brgy. Ngarag, Cabagan, Isabela.
β€Ž
β€ŽKinilala ang suspek sa alyas na β€œDamian,” binata, corn agent at residente ng Brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela.
β€Ž
β€ŽNaaresto si alyas “Damian” matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer.
β€Ž
β€ŽNasamsam mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at dalawang β‚±1,000 na ginamit bilang buy-bust money.
β€Ž
β€ŽAyon sa pulisya, agad na isinailalim sa wastong marking at inventory ang mga ebidensya sa presensya ng mga kinatawan ng pamahalaan upang masiguro ang integridad ng operasyon.
β€Ž
β€ŽMahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
β€Ž
β€ŽSamantala, pinangunahan naman ng Cabagan Police Station ang operasyon katuwang ang Provincial Intelligence Unit at sa koordinasyon ng PDEA Region 2, na nagpapakita ng mas pinaigting na ugnayan ng mga ahensya sa pagpapatupad ng batas.
β€Ž
β€ŽSource: CABAGAN PNP

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments