𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔, 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗜

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang trenta anyos na binata matapos itong pagsasaksakin ng kainuman sa bayan ng Bani.

Ang biktima ay nakilalang si Francis Ortaleza habang ang suspek ay kinilalang si Brian Carpo parehong residente ng Brgy. San Simon sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon nag iinuman ang dalawa pasado alas kwatro ng hapon sa kanilang lugar ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Dito na biglang kumuha ng kutsilyo ang suspek at agad na pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Agad naman naisugod sa pagamutan ang biktima na patuloy na inoobserbahan habang naaresto naman ng PNP ang suspek sa kanilang isinagawang follow-up investigation kasama ang patalim na ginamit nito.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments