Patay ang isang bente tres anyos na binata matapos maaksidente sa bayan ng Urbiztondo.
Ang biktima ay nakilalang si Mark Soriano residente ng San Carlos City.
Naganap ang aksidente Pasado alas tres ng madaling araw Habang binabagtas ng biktima Sakay ng motor ang kahabaan ng Barangay Dalanguiring kung saan ay bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima na Naging dahilan upang matumba ito at tumama sa sementong Harang sa kalsada.
Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments