𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠

Dead on arrival sa pagamutan ang Isang bente uno anyos na binata sa naganap na aksidente sa bayan ng Mangatarem.

Ang biktima ay nakilalang si Leonard Libatan residente ng brgy Dorongan Valerio sa nasabing bayan.

Naganap ang aksidente pasado alas dos ng madaling araw sa brgy Dorongan punta kung saan ay sakay ng kanyang motor ang biktima nang bigla umano itong mawalan ng kontrol sa manibela dahil upang matumba ito at tumilapon sa kalsada.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng Katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments