𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog sa ikinasang buy bust operation sa Urdaneta City ang Isang trenta anyos na binata.

Nakilala ang suspek na si Jerwin Lacibal residente ng Brgy Poblacion sa nasabing Lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas nwebe ng Umaga sa brgy Bayaoas na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng Isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .22 grams at nagkakahalaga ng mahigit Isang libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek na napag alamang kasama sa listahan ng street level individual sa usapin ng illegal drugs sa Lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments