𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔

Cauayan City – Tagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang binatilyong wanted sa batas kahapon ika-24 ng Hunyo.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Junior”, residente ng Brgy. San Fermin Cauayan City, at itinuturing bilang ika-9 sa listahan ng Top Most Wanted Person sa lalawigan ng Isabela dahil sa kasong statutory Rape na kinakaharap nito.

Samantala, dahil sa bigat ng kaso ay walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Alyas “Junior”.


Sa ngayon, kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cauayan City PS ang suspek para sa dokumentasyon bago iturn-over sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments