𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦

Patay ang katorse anyos na Grade 8 student kinilala bilang si Matthew Ledesma residente ng Brgy. Balincanawat, Rosales matapos malunod sa Totonoguen Creek sa bayan.

Hapon nang mangyari ang insidente habang naliligo ang biktima kasama ang mga kaibigan nito nang bigla na lang umano pumunta sa gitnang bahagi ang binatilyo na naging sanhi ng pagkalunod nito.

Narekober ng mga awtoridad ang katawan ng biktima isang oras mahigit ang nakalipas at dagliang binigyan ng paunang lunas at itinakbo pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments