Wednesday, January 21, 2026

𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗗𝗨𝗟𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢

Naghihinagpis ang ina ng binatilyo na nalunod sa isang ilog sa Brgy. Sto. Tomas, San Jacinto matapos ibahagi sa awtoridad ang pagpanaw nito.

Ang biktima ay menor de edad at naligo umano sa ilog kasama ang isa pang menor de edad na kaibigan nito. Bigla umanong nadulas sa maputik na bahagi ng ilog ang biktima dahilan para ito ay mahulog at tangayin ng malakas na agos ng ilog.

Hindi agad nahanap ang biktima ngunit ilang oras matapos itong hagilapin ay natagpuan din ang katawan nito. Itinambo pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments