𝗕𝗜𝗬𝗔𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡: 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

CAUAYAN CITY – Katuwang ang DOH Health Promotion Bureau, National Nutrition Council-Region 2, at Kagawaran ng Edukasyon ay nagsagawa ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) sa pamamagitan ng Health Promotion Unit ng culminating activity na may pamagat na “Biyaheng Kalusugan: Nutrition Month 2024” sa Cagayan Coliseum, Tuguegarao City.

Binigyang-diin ni Dr. Glenn Mathew Baggao ang mga isyu ng malnutrisyon sa iba’t ibang antas ng edad na maaaring magdulot ng mga sakit sa mga ito.

Ayon din kay Dr. Baggao, mayroong mga health promotion programs ang DOH upang mabigyang pansin ang malnutrisyon gaya ng Karinderya para sa Healthy Pilipinas Playbook, Active Transport Playbook, at mandatory Front-of-Pack Labeling.


Hinikayat din niya ang mga junior at senior high schools, maging ang mga magulang na dumalo sa aktibidad, na magkaroon ng healthy habits, tamang tulog at ugaliing mag-ehersisyo para sa malusog na pangangatawan.

Facebook Comments