𝗕𝗟𝗘𝗡𝗗𝗘𝗗 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗗𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 – 𝗧𝗗𝗖

Kulang o hindi pa umano sapat ang kahandaan pagdating sa paggamit ng blended learning para sa paraan muna sa ngayon ng mga estudyante para sa kanilang pag-aaral ngayong mainit ang panahon ayon sa grupong Teachers Dignity Coalition.

Ayon kay Teachers Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, hindi pa rin umano sapat ang access ng mga estudyante sa internet na siyang dapat talaga umanong paghandaan at kinakailangan ng bigyan ng investment ng gobyerno.

Hindi rin umano kasi lahat ng mga tao lalo ng mga estudyante ay kayang makapag-access sa gadgets tulad ng computer, laptop o smartphones.

Dagdag pa nito, ito rin dapat ang isa sa mga salik ng edukasyon na dapat pagtuunan din ng pansin ng gobyerno.

Samantala, hayag ni Basas na kakayanin pa rin na maihahabol ang pagsunod muli sa old school calendar sa kabila ng mga adjustments sa pag-aaral na isinasagawa ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments