
Cauayan City โ Nagpapatuloy ngayong araw ang pagsasagawa ng 2-Day Blood Letting Activity sa Ilagan Community Center, Ilagan City, Isabela.
Ang nabanggit na aktibidad ay regular na ginagawa sa lungsod sa inisyatibo ni Ilagan City Mayor Hon. Jay Diaz sa pamamagitan ng Ilagan Blood Depository System o IBLOODS.
Layunin ng aktibidad na ito na makalikom ng dugo upang matugunan ang suplay sa mga blood banks, at matulungan ang mga pasyenteng may mga karamdaman at nangangailangan ng dugo.
Sa unang araw ng Blood Letting Activity, dumagsa ang mga blood donors mula sa ibaโt-ibang barangay, mga kawani ng government at non-government organizations, line agencies, at marami pang iba.
Lubos ring nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Ilagan sa Cagayan Valley Medical Center na kanilang katuwang sa aktibidad na ito, na walang sawang nagbibigay ng tulong at suporta para sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.