𝗕𝗟𝗨𝗘 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Bago pa ang posibleng maranasang epekto ni Bagyong Nika, nauna nang nang itinaas ang Blue Alert Status o mas pinag-igting na monitoring at koordinasyon at Response Clusters sa Ilocos Region.

Sa naganap na Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Meeting na pinangunahan ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1, inilatag ang magiging kalagayan ng panahon sa rehiyon sa mga susunod na araw kasunod ng inaasahang banta ng bagyo.

Inilatag na rin ang mga listahan ng mga barangay sa Rehiyon Uno na maaaring makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa kung magpatuloy ang lakas na taglay ng bagyo.

Alinsunod dito, sa rainfall advisory ng PAGASA, inaasahan na ang mga pag-uulan sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte. Pinapayuhan ang publiko lalo na sa mga identified hazard areas na maghanda at lumikas na bago pa ang hagupit ng Bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments