𝗕𝗢𝗗𝗘𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗣𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗢𝗬

CAUAYAN CITY – Nasunog ang isang bodega sa likod ng dalawang malaking bahay sa Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya, ngayong ika-30 ng Oktubre.

Ayon sa may-ari, inakala niyang malakas na patak ng ulan ang naririnig mula sa kanilang tahanan, ngunit laking gulat niya nang makita ang bodega na nilalamon na ng apoy.

Agad nagtulungan ang mga residente sa pag-apula ng sunog at paglabas ng mahahalagang gamit mula sa nasusunog na bodega.


Mabilis din na rumesponde ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at naagapan ang pagkalat ng apoy bago pa ito makaabot sa ikalawang palapag ng mga kalapit na bahay.

Sa kasalukuyan, patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.

Sa kabutihang palad, walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Facebook Comments