𝗕𝗢𝗗𝗬𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗 𝗡𝗜 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗥𝗔𝗠𝗠𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗬𝗡𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟

Patay matapos barilin ang nag-iisang bodyguard ni Urdaneta City Mayor Rammy Parayno, pasado alas-otso kahapon ng umaga matapos umano itong tambangan sa daanan nito palabas ng kanyang bahay.

Kinilala ang biktima na si Bernard Bernardo, singkwenta y sais anyos residente ng Brgy. San Vicente sa nasabing bayan.

Diumano, sakay ng kaniyang motor ang nasabing biktima kasama ang asawa at anak nito palabas ng kanilang subdivision nang tumambad sa kanila ang isang itim na Montero at pinaulanan ng bala ang nasabing biktima, na napag-alamang mga matataas na kalibre ng baril.

Dead on the spot ang biktima at natamaan din ng bala ang asawa nito at inaalam ang sitwasyon ng bata matapos isugod sa Urdaneta Emergency Hospital.

Sa ngayon, hindi pa tukoy ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng nasabing suspek at nagpapatuloy ang imbestigasyon kung saan blangko pa ang kanilang hanay sa dahilan ng pamamaslang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments