𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗣 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗗𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢

Inanunsyo ng Department of Tourism Region 1 na ang bayan ng Bolinao dito sa Pangasinan ay pumapangalawa bilang Top Tourist Destination sa buong Region 1.

Naitala ng DOT na ang Bolinao ay pumapangalawa sa pinupuntahan noong 2022 na may 212,514 na turista. Nanguna ang San Juan La Union na surfing capital ng bansa na mayroong 215, 645 na turistang noong nakaraang taon.

Pangatlo ang Pagudpud sa bayan ng Ilocos Norte na may 115,000 na mga turista at Dasol naman na may 114,000 na mga turista.

Kabilang din sa listahan ang bayan ng San Fabian na pinupuntahan ng mga turista sa Region 1.

Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan sa ilang opisyales ng probinsya upang mas mapayabong pa ang turismo ng Dasol, San Fabian, at iba pang bayan sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments