Handa na ang mga ahensya at tanggapan ng Bonuan Tondaligan Beach sa inaasahang pagdagsa pa ng beach goers sa lugar.
Ayon kay Albert Gregorio, ang Tondaligan Beach Park Administrator, nakapagtala ng abot 10,000 ang bumibisita sa kabuuan ng dry season.
Dagdag niya laging mayroong naka standby na lifeguard at may karagdagan pang tulong mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Navy upang bantayan ang seguridad ng mga dumarayo sa lugar, naliligo man o pumapasyal lamang.
Para sa mga nagbabalak mamalagi sa beach park, mayroong 152 sheds sa lugar. Nakadepende sa tagal ng pamamalagi ang magiging rate. Ayon kay Gregorio, P300 ang rate ng cottage o shed tuwing weekdays at aabot ng hindi tataas sa P800 tuwing weekends o holidays. Sa mga shed lamang na ito pinapayagan ang pag-inom ng alak.
Payo ni Gregorio sa mga beach goers, ireport umano ang shed owners kapag may nagaganap na overpricing. |πππ’π£ππ¬π¨