Bukas na ang Book Nook Room sa Dagupan City National High School (DCNHS) matapos itong pasinayaan sa ilalim ng programang Larawan, Istorya, Buhay, Repleksyon, at Obra (LIBRO) Project.
Layunin nitong mapataas at mahasa ang reading and comprehension skills ng mga mag-aaral sa naturang paaralan.
Ayon sa kay Willy Guieb ang Principal IV ng Dagupan City National High School, nasa siyamnapu (90) mula sa siyam na raang (900) estudyante sa grade 7 sa kanilang paaralan ang kailangan matutukan sa pagbabasa.
Mainam aniya ito upang masuportahan ng guro ang kanilang mga estudyante na mapalawak ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa at magkaroon collaborative learning environment sa kapwa nila mag-aaral.
Kaisa ng paaralan ang Inner Wheel Club of Downtown Dagupan at Edric Publishing sa pagtatatag ng Book Nook Room. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨