
Cauayan City – Ipinamalas ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2, Isabela ang galing ng mga local micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng kanilang DTIndahan Booth sa taunang Bambanti Festival 2026.
Magsisilbi ito bilang one-stop shop para sa mga festival-goers na nagpapakita ng iba’t ibang produkto ng Isabela MSMEs.
Kabilang dito ang mga lokal na pagkain at inumin, processed agricultural goods, damit at accessories, mga regalo, at home décor.
Layunin ng DTI Isabela na bigyan ng mas mataas na visibility ang mga MSMEs, direktang access sa mga mamimili, at oportunidad na patatagin ang kanilang presensya sa lokal na merkado.
Hinihikayat ng DTI ang publiko na bumisita sa DTIndahan Booth, tuklasin ang pinakamahusay na produkto ng Isabela, at suportahan ang lokal na negosyo.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










