𝗕𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗔𝗦𝗙

Pinaigting ang pagbabantay sa mga border control at Animal Quarantine checkpoint sa Pangasinan upang maiwasan ang pagpasok ng mga live pigs/swine at pork by-products sa lalawigan.

Ito ay matapos makapagtala ng mga kumpirmadong kaso ng African Swine Fever o ASF ang ilang kalapit lugar ng probinsya. Ayon kay Dr. Arcely G. Robeniol, Pangasinan Provincial Veterinarian, kinakailangan maprotektahan ang probinsya sa banta ng ASF kung kaya’t naglatag na ang mga ito ng border control measures.

Ang quarantine checkpoints sa Mabilao, San Fabian, Asan Sur, Sison at ang TPLEX Pozorrubio at TPLEX Urdaneta ay mahigpit na minomonitor upang walang baboy na makapasok sa Pangasinan.

Dagdag ng Opisyal, umiiral pa rin Executive Order No. 0102 series of 2023 na nagbabawal sa pagpasok ng mga baboy sa probinsya. Sa ilalim ng naturang kautusan Kinakailangan kumpletuhin ang mga dokumento tulad ng Certificate of Free Status-ASF, ASF Laboratory Negative Result, veterinary health certificate, BAI shipping permit, Animal Welfare Registration Certificate, Transport Carrier Registration Certificate, Handler’s License Certificate, at Certificate of Acceptance na iniisyu ng Provincial Veterinary Office at para sa mga by-products kailangang idagdag sa kinakailangang dokumento ang meat inspection certificate.

Sinabi nito na sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng ASF sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments