𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟰𝟬𝗞 𝗡𝗔

Umabot na sa 39,820 na ang mga rehistradong botante sa bayan ng Asingan ayon sa pinakahuling datos ng Commision on Elections COMELEC.

Nasa 1,032 naman ang kanilang naiparehistro sa pamamagitan ng isinasagawang Satellite Registration. Ayon sa tanggapan, mahalaga ang pagkakaroon ng Satellite registration upang mailapit sa mga barangay ang kanilang serbisyo sa mga walang oras magparehistro.

Hanggang September 30, 2024 na lamang ang naturang pagpaparehistro kung kaya’t hinihikayat na ang mga hindi pa nakakapagparehistro na kunin na ang oportunidad na ito upang maging isang ganap ng botante.

Samantala, sa oras na magtapos ang registration ay maaari nang magfile ng COC ang mga tatakbong lokal na kandidato sa October 1 hanggang October 8, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments