𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗕𝗨𝗧𝗔𝗡, 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗚𝗨𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚

CAUAYAN CITY- Nakafull-alert status sa pagbabantay at pag-monitor ang mga opisyal ng Barangay Gagabutan sa pagsalanta ng Bagyong Enteng sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Barangay Kagawad Ricky Calati, nakahanda ang kanilang pamunuan sa pag-responde at paglikas sa mga residente kung sakali mang bumaha sa kanilang lugar.

Aniya, may nakahanda namang bangka ang barangay at mga chainsaw na gagamiting pamputol sa mga nagsitumbahang punong kahoy.


Dagdag pa niya, dahil mababa ang lokasyon ng kanilang barangay, pansamantala muna silang lumilikas sa Brgy. Buena Suerte.

Samantala, nakikipag-ugnayan naman ang kanilang pamunuan sa mga otoridad hinggil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Cagayan River.

Facebook Comments