CAUAYAN CITY- Handang-handa na ang buong hanay ng Brgy. Gagabutan para sa posibleng paghagupit ni Bagyong Leon sa lungsod ng Cauayan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Barangay Kagawad Orlando Pascua, nagsimula na silang mag-ikot bawat Purok upang abisuhan ang mga residente hinggil sa posibleng epekto ni Bagyong Leon.
Aniya, nakahanda rin ang kanilang mga sasakyan at bangka sa pag-responde sa mga nangangailangang residente katuwang ang mga tauhan ng Rescue 922 at kapulisan.
Dagdag pa niya, tuwing panahon ng kalamidad ay nakahanda ang kanilang evacuation center at kung sakali man na abutin ito ng tubig baha ay nakikituloy muna sila sa karatig barangay katulad ng Buena Suerte.
Kaugnay nito, dahil nasa ilalim ng signal no. 2 ang Lungsod ay kanila ring binibisita ang mga tindahan upang masiguro na sinusunod ng mga ito ang Liquor ban policy.