𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟

Dead on arrival sa pagamutan ang incumbent Barangay kagawad ng Brgy. Victoria, Alaminos City matapos pagbabarilin ng motorcycle rider.

Kinilala ang biktima na si Recto Tabua.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naka duty ang biktima nang ito ay pagbabarilin. Nilapitan umano ito ng suspek at binaril patalikod.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng caliber 45.

Patuloy din ang isinasagawang backtracking ng CCTV footage para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pamamaril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments