𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

CAUAYAN CITY- Nananatiling mapayapa at ligtas ang sitwasyon sa Brgy. Maligaya sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Raymart Mallillin, ngayon taon ay walang naitalang insidente ng nakawan sa kanilang lugar.

Aniya, noong nakaraang taon ay nakapagtala sila ng mga insidente ng nakawan kung saan mga kaban ng mais at palay ang tinatangay ng mga kawatan.


Naging epektibo umano ang ginagawang mahigpit na pagbabantay ng mga opisyal ng barangay lalo na sa gabi.

Sa kasalukuyan, puspusan pa rin ang isinasagawang pagbabantay ng mga Barangay Tanod sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Facebook Comments