𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗕𝗟𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗨𝗕𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗞𝗔

Cauayan City – Ipinagpapasalamat ng pamunuan ng Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela na hindi lubhang naapektuhan ng nakalipas na bagyong Nika ang kanilang lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Ginoong Pedro Yagyagan, secretary sa nabanggit na barangay, bagama’t nakaranas nga malalakas na pagbugso ng hangin at pagbuhos ng ulan ay hindi naman nagdulot ng malubhang pinsala ang bagyo sa kanilang lugar.

Aniya, sa isinasagawang monitoring ng mga barangay officials, maliban sa mga punongkahoy nabuwal ay may ilan lamang na kabahayan ang partially damage matapos na matumbahan ng puno subalit hindi naman malala ang naging pinsala nito.


Kaagad namang nagsagawa ng clearing operations ang pamunuan ng barangay San Pablo kaya’t makalipas ang paghagupit ng bagyo ay balik na rin sa normal ang lahat.

Sinabi rin niya na kasalukuyan na nilang ginagawan ng report ang mga pinsalang naitala upang isumite ang sa LGU Cauayan.

Facebook Comments