𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗗𝗢𝟭, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

Nagsimula na ang Brigada Eskwela sa Schools Division Office 1 sa Pangasinan.

Daang-daang magulang at mag-aaral ang nakilahok sa pagsisimula ng taunang brigada eskwela sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at high school dito.

Ayon kay SPES/SMN Unit/ Division Brigada Eskwela Coordinator, ang Brigada Eskwela 2024 na may temang Magbayanihan para sa Matatag na Paaralan, ay isa umanong pagpapakita ng pagkakaisa ng komunidad at ng mga paaralan.

Magpapatuloy ang Brigada Eskwela hanggang sa ika -26 ng Hulyo bago ang pasukan sa ika-29 ng Hulyo.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments