𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗞𝗨𝗪𝗘𝗦𝗧𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗕𝗟𝗢𝗖

Kinukuwestyon ngayon ng Macabayan Bloc ang inihaing pondo para sa susunod na taon ng Office of the President.

Ayon sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay ACT Partylist Representative France Castro, nanaig ang mayorya sa pagdinig ng pondo ng Presidente kaya’t mabilis itong nakalusot sa loob lamang ng 15 minuto.

Sinabi ni Castro, kwestyonable 4. 56 Billion na request para sa Confidential and Intelligence Fund.

Aniya, hindi dapat sanayin ang parliamentary courtesy sa pagpasa ng pondo dahil “prone” umano ito sa korapsyon.

Inihayag din ni Castro ang pagnanais na maalis ang confidential fund at mailagay sa mga serbisyong mayroong transparency. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments