CAUAYAN CITY – Ipinag-utos ng India Government ang agarang paglikas ng daan-daang residente dahil sa banta ng tsunami matapos na sumabog ang isang bulkan sa Ruang Island, North Sulawesi.
Ang Mount Ruang, isang 725-meter (2,400-foot) conical stratovolcano ay sumabog ng limang beses noong gabi ng Martes at bumuga ng nagniningas na lava at makapal na abo na tumatakip sa kalangitan.
Ayon kay Hendra Gunawan, mula sa volcanology agency, itinaas ng mga opisyal sa highest level ang bulkan, at nagbabala sa mga tao na huwag pumunta sa loob ng 6 na kilometro, dahil sa pangamba na gumuho ang ilang bahagi ng Mount Ruang sa tubig at magdulot ng tsunami, tulad ng nangyari noong 1871.
Ang Ruang Island ay tahanan ng humigit-kumulang 800 residente, at ang mga ito ay pansamantalang lumipat sa kalapit na Tagulandang Island.
Gayunman, pinag-iingat pa rin ang mga residente sa banta ng pagbagsak ng mga bato mula sa bulkan.
Ang Indonesia, na may 270 milyong katao, ay may higit sa 120 aktibong bulkan β higit pa kaysa saanman sa mundo.