𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦 𝗡𝗔𝗔𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦

Arestado ang isang buntis matapos nitong pagnakawan ang isang tindahan sa bayan ng Rosales.
Kinilala ang suspek na si Loraine Naul.

Ayon sa awtoridad, umalis lamang ang tagabantay ng tindahan upang bumili ng makakain ngunit pagbalik nito nakita niya ang suspek na palabas bitbit ang lagayan ng pera na may lamang 2, 750.

Kasalukuyang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments