Pinaigting ngayon ng Bureau of Animal Industry – National Veterinary Quarantine Services Division (BAI-NVQSD) Region 1 ang mga quarantine checkpoints sa Ilocos Region sa kabila ng mga naglipanang sakit ng mga hayop.
Limang checkpoints ang itinalaga sa rehiyon, kung saan matatagpuan ito sa bayan ng Mangatarem, Bayambang, Umingan, Urdaneta City, at maging sa Carmen Tarlac.
Sa isang pahayag sinabi ng BAI-NVQSD, ang mga naturang lugar ay mga strategic areas na madalas ang entry points ng mga ipinapasok na livestock at poultry farms sa rehiyon.
Dagdag pa nito na mahigpit ang isinasagawang pagsusuri sa mga dokumentong kinakailangan ng itinakda ng Provincial Veterinary Office upang masugpo ang pagkalat ng African Swine Fever o di nama’y avian flu.
Samantala, inaasahan na magtatakda pa ng maraming checkpoints ang tanggapan sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon tulad na lamang sa mga pantalan upang maiwasan ang iba’t-ibang sakit ng hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨