𝗕𝗨𝗥𝗘𝗔𝗨 𝗢𝗙 𝗜𝗠𝗠𝗜𝗚𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗦𝗜 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗚𝗨𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗡𝗡𝗘𝗟𝗦

Naniniwala ang Bureau of Immigration na nakalabas ng bansa si suspended Bamban Mayor Alice Guo sa pamamagitan ng “illegal channel”.

Ito ay matapos na makaalis di umano ang alkalde sa kanila ng nagpapatuloy na imbestigasyon laban sakaniya.

Sa pahayag ni BI Spokesperson Dana Sandoval, tinututukan nila ang mga illegal channels dahil mayroong posibilidad dito dumaan si Guo ng walang clearance mula sa tanggapan.

Dahil dito, tinitignan na nila ang mga entry points at exit points ng bansa upang hindi nakalabas ang iba pang nasa watchlist ng BI. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments