𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦𝗪𝗢𝗠𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗨𝗜𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡

Arestado sa buy bust operation ng awtoridad sa Brgy. Sumabnit, Binalonan ang 38 anyos na businesswoman mula Baguio City kinilala bilang si Janet Imperial tinukoy na street level individual sa usaping ilegal na droga.

Nakumpiska sa suspek ang bag nito na naglalaman ng 5 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P34, 000 maging ang limang plastic sachet ng dried marijuana leaves na tinatayang tumitimbang ng 52 grams. Ilan pa sa nakuha dito ay 20 piraso ng one-thousand-peso bill bilang boodle money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments