Nag-umpisa na sa pagpoproseso ng business permits ang mga negosyante sa mga bayan ng Bayambang at Lingayen sa mga itinayong Business One Stop Shops (BOSS), simula noong ikalawa ng Enero.
Ang mga naturang BOSS ay naglalayon na mas mapabilis at hindi na maging mahirap ang pagproseso ng mga dokumento, dahil nakalatag at nakahanay na sa iisang lugar ang mga tanggapang kukunan ng mga kakailanganin para makakuha ng business permits.
Ayon sa LGU Lingayen, ilan sa mga tanggapang matatagpuan sa kanilang BOSS ay ang Business Permit and Licensing Office (BPLO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Treasurer’s Office (MTO), Municipal Assessor’s Office, DTI, BIR, BFP at iba pa.
Ayon sa mga LGUs, ilan sa mga maaaring asikasuhin sa mga naturang BOSS ay ang pagkuha ng Building Permit, Electrical Permit, Electrical Clearance, MENRO Clearance, Valid Fire Safety Inspection Certificate, Occupancy Permit, Sanitary/Health Clearance at iba pa.
Samantala, hinihikayat na ng mga LGUs ang mga negosyanteng irehistro ang kanilang mga negosyo upang makaiwas sa dagsa ng mga ito sa huling araw ng pagrerehistro na magpapatuloy hanggang ika-20 ng Enero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨