
Cauayan City – Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon ang pagbubukas ng Business One Stop Shop (BOSS) 2026, isang inisyatiba na layong pabilisin at gawing mas madali ang proseso ng pagpaparehistro at pag-renew ng mga negosyo sa bayan.
Sinimulan ito nitong Enero 2 at magtatapos hanggang Enero 20, 2026 sa Municipal Grounds, katabi ng COMELEC at PNP Quezon Station, kung saan maaaring magtungo ang mga negosyante upang asikasuhin ang kanilang mga kinakailangang permit at dokumento.
Sa pamamagitan ng iisang lokasyon, mas pinasimple ang transaksyon para sa mga entrepreneur at micro, small, and medium enterprises (MSMEs), na nagbibigay-daan sa mas mabilis, epektibo, at maayos na serbisyo publiko.
Ang BOSS 2026 ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng LGU Quezon na maghatid ng transparent at business-friendly na pamamahala.
Source: LGU QUEZON, ISABELA
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










