Patuloy na isinasagawa ngayon sa bayan ng Asingan ang pag-isyu sa mga negosyante ng kanilang mga business permit renewals at pagbibigay ng lisensya sa mga bagong negosyong nais ipatayo sa bayan.
Ayon sa tala ng lokal na pamahalaan ng bayan, sa ngayon ay umabot na sa higit anim na raan o 630 na business renewals at mga lisensya ng mga bagong negosyo ang kanilang nabigyan sa ng Business One Stop Shop.
Sa mga susunod pang mga araw ay inaasahan pa ang pagdagsa ng mga negosyante sa munisipyo para sa pagpapa-isyu ng kanilang mga business permits at renewal.
Ang deadline naman ng naturang pag-iisyu para sa business renewal at business license ay sa January 20, 2024.
Kung hindi makakaabot sa itinakdang deadline ang mga negosyante ay mapapatawan sila ng karampatang penalty.
Nitong nakraang taon, nasa higit isang libo o 1,854 ang nakakuha ng business permit sa munisyo ng Asingan. |πππ’π£ππ¬π¨