Hindi pa dagsa ngayong unang araw ng 2024 ang mga bus terminals sa Dagupan City ng mga byaherong magsisiuwian at magsisibalikan mula sa kani-kanilang pinanggalingang pook.
Mangilan-ngilan lamang sa ngayon ang bumabyahe bagamat inaasahan na sa susunod na mga araw ay muli na namang dadagsain ang mga pampasaherong bus.
Tiniyak naman ng mga kawani ng bus companies na nananatili sa maayos na kondisyon ang mga ibinabyaheng sasakyan maging ang pagkakaroon ng mga sapat at kinakailangang papeles para makapagpatuloy sa pamamasada.
Samantala, ayon sa mga bus drivers at konduktor, inaasahan nilang dagsa na mamayang hating gabi ang terminals para sa mga taong resume na ang trabaho o pasok sa January 2. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments