Nagsagawa ng inspeksyon ang Land Transportation Office sa ilang bus terminals sa Ilocos Region matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Carina.
Tinitiyak ng pamunuan na naaayon sa safety protocols na inilatag ng tanggapan ang mga naturang bus na may iba’t-ibang ruta tulad ng Vigan, Cubao at Pasay via TPLEX.
Matatandaan na ilang bus company ang nagsuspinde ng kanilang byahe pa Maynila dahil sa pagbaha sa bahagi ng NLEX.
Kabilang sa mga siniyasat ng LTO ang emergency exits sa mga bus at passenger amenities tulad ng seatbelts at speedometer na may kinalaman sa commuter safety.
Patuloy na isinusulong ng tanggapan Road Action Safety Plan upang maiwasan ang aksidente sa mga kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments