𝗕𝗨𝗧𝗔𝗦-𝗕𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗬𝗣𝗔𝗦𝗦 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔

Binuksan na sa publiko ang bagong sementadong kalsada sa kahabaan ng San Fernando Bypass Road sa Brgy. Tanqui, San Fernando City, La Union.

Noon ay butas-butas umano ang naturang bahagi na ikinababahala ng mga residente dahil sa seguridad ng mga motorista.

Ang naturang daan ay madalas nagsisilbing diversion road ng mga motorista upang makaiwas sa traffic na maaring maranasan sa sentro ng San Fernando.

Ayon sa Department of Public Works and Highways Region 1, sinimulan ang konstruksyon noong Pebrero.

Inaasahan ng tanggapan na tataas ang potensyal ng pagdami ng local business sa lugar matapos maisaayos ang kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments