𝗕𝗬𝗣𝗔𝗦𝗦 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗚𝗨𝗜𝗟𝗟𝗘𝗥𝗠𝗢, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗙𝗢𝟮

CAUAYAN CITY – Ipinagkaloob ng DSWD Field Office 2 ang sementadong bypass road sa lokal na pamahalaan ng San Guillermo, Isabela.

Ang proyektong ito ay sa ilalim ng KALAHI-CIDSS sa pamamagitan ng National Community-Driven Development Program-Additional Financing (NCDDP-AF) modality.

May habang 840 meters ang kalsada na nag-uugnay sa barangay Colorado at Barangay Dingading.


Nagkakahalaga sa mahigit P10 milyon ang pondong inilaan dito mula sa KALAHI-CIDSS, NCDDP-AF, at Municipal Local Government Unit-Local Government Contribution (MLGU-LGC).

Malaking tulong ang naturang proyekto na mapadali at mapabuti ang transportasyon ng mga pangunahing serbisyo at produkto na makakapagpabago ng ekonomiya ng kanilang komunidad.

Facebook Comments