Tuesday, February 17, 2026

𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡-𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗦𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗟𝗘𝗦

Cauayan City – Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatakdang muling buksan ang Cabagan–Sta. Maria Bridge sa unang bahagi ng Marso ngayong taon.

Ayon kay Secretary Vince Dizon, papayagan munang dumaan ang mga light vehicles sa naturang tulay.

Matatandaang gumuho ang tulay noong Pebrero 2025, na nagdulot ng abala sa transportasyon at pangamba sa mga residente sa magkabilang bayan ng Cabagan at Sta. Maria.

Sa muling pagbubukas ng tulay, inaasahang gagaan ang daloy ng biyahe at muling mapapabilis ang koneksyon ng mga komunidad sa nasabing bahagi ng lalawigan.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments