𝗖𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗜𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗔𝗟, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Sual Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang barangay Cabalitian Island sa bayan bunsod ng epekto ng Bagyo.

Ayon kay LDRRM Officer Carla Adriano, posible umanong maging isolated ang nasabing barangay kung sakaling lubhang maapektuhan ng bagyong kristine.

Ani Adriano, noong lunes pa lamang ay nagsagawa na ang mga ito ng paghahanda kaugnay sa banta ng kalamidad.

Nagsagawa na rin ng pamamahagi ng bigas at hygiene kit ang LGU sa nabanggit na barangay bilang paunang tulong sa mga residente.

Samantala, tinututukan din ng MDRRMO ang lima pang coastal areas, ang Poblacion, Baquioen, Pangascasan, Baybay Norte at Baybay Sur na nagkaroon ng matataas na alon na dahilan ng paglikas ng mga residente.

Nasa 545 na indibidwal na ang kanilang inilikas o katumbas ng 137 na pamilya na Pansamantalang nanunuluyan sa Sual Evacuation Center. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments