Cauayan City – Isinailalim sa biglaang drug test noong Enero 2, 2025 ang 26 na tauhan ng Cagayan Police Provincial Office.
Kabilang dito ang Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, at 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company bilang bahagi ng PNP Revitalized Internal Cleaning Program at Internal Disciplinary Mechanism.
Pinangunahan ng Regional Intelligence Division, katuwang ang Regional Forensic Unit 2, ang naturang aktibidad.
Ayon kay Police Brigadier General Antonio P. Marallag Jr., PRO2 Regional Director, nananatili siyang determinado na labanan ang ilegal na droga at tiyaking walang tauhan ng Valley Cops ang sangkot sa paggamit nito.
Dagdag pa niya, hindi niya palalampasin ang sinumang masasangkot sa ilegal na gawain, lalo na sa paglabag sa RA 9165 dahil ang PRO2 ay nakatuon sa pagpapanatili ng mataas na antas ng propesyonalismo at etikal na pag-uugali ng mga miyembro.