CAUAYAN CITY – Ibinaba na sa Blue alert status ang Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Operations Center (CVDRRMOC) kahapon, ika-22 ng Nobyembre.
Sa Memorandum 148, series 2024 na inisyu ng kanilang opisina, ang alert status sa bawat Provincial, City and Municipal DRRMCs ay nasa pagpapasya na ng head ng mga nabanggit na DRRMCs depende sa sitwasyon ng kanilang nasasakupan.
Ipinagutos rin ng kanilang opisina ang patuloy na monitoring sa mga apektadong lugar upang masiguro na ligtas ang nga residente sa anumang posibleng panganib.
Kung matatandaan, itinaas ang CVDRRMOC sa Red Alert dahil sa banta ng mga nagdaan bagyong tumama sa buong Lambak ng Cagayan.
Facebook Comments