Umabot pa sa higit labing tatlong libong mga residente sa bayan ng Calasiao ang naapektuhan ng pagbaha bunsod ng pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.
Ayon sa datos ng Calasiao MDRRMO, kabuuang 13, 469 na mga indibidwal o katumbas nito ang 3, 646 na mga pamilya ang apektado rito.
Nasa labing limang barangay ngayon ang lubog sa baha dahil sa pag-apaw ng tubig sa mga ilog na kinabibilangan ng Bued, Banaoang, BueNlag, Doyong, Gabon, Longos, Lumbang, Malabago, Mancup, Nalsian, Poblacion East, Quesban at Talibaew, Lasip at Songkoy.
Dahil dito, isinailalim na sa State of Calamity ang bayan upang agad na matugunan ang agarang tulong para sa mga residenteng binaha, nasira ang pananim at natigil ang kabuhayan.
Samantala, nakapagtala na rin ng evacuees ang MDRRMO at nananatili sa Regional at Mancup Evacuation Center ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨